ano daw sabi ni sir?! SYSTEM as in SYSTEM?!!! hindi ko alam kung mali lang yung pagkakadinig ko o talagang medyo inaantok lang ako ng mga panahong yun,pero tama ba yung narinig ko?! gagawa na daw kami ng system at ito pa "proposal to be pass on thursday"!!! ano ka? hilo? hindi kaya ganun kadali mag-isip ng system ano! at on-line pa! niloloko mo ba talaga ako?! WAKE-UP! nanaginip ba ako?! OA ba? cenxa na kaya lang hindi ko inaasahan na ganito kaaga nya sasabihin na gumawa kami ng system. parang thesis na yun ah, may documentary pa yun syempre pero di pa rin ganun kadali yun. naiiyak na nga ako nun, gusto ko ng tumakbo palayo sa room kaso ayoko nga! nawindang talaga ako sa balitang yan. masaya pa naman sana dahil sya na ulit yung prof namin sa isa sa mga mjor subjects namin kaso dahil sa mga sinabi nya parang mas gusto ko tuloy na iwanan nya na lang kami ulit tulad nung pag-iwan nya sa min dati. pero anyways gusto pa rin naman namin sya. God Bless us na lang sa mangyayari sa System naming ito. Database Management System nga pala yung subject namin sa kanya.