Tuesday, September 12, 2006

100%

Nakuha na namin ang aming mga pagsusulit noong nakaraang midterm, masaya naman ang mga naging resulta nun. Di na bago na maperfect nila ang ilang exams.(lagi namang ganun,(kunwari di ako kasama sa mga nakaperfect,wag kang maingay)). Ang saya nga kase halos lahat kaming magkakabarkada nakeperfect sa exam namin sa ORACLE! (ORACLE yun!). Sana nga lang ganun din kaming lahat sa LOGIC, pero ganyan talaga, sa buhay di mo makukuha ang lahat ng gustuhin mo. Wala kaseng thrill kapag ganun. Hindi masaya in-short. Pero sabi nila ang lahat na masayang bagay ay may kapalit na mga malulungkot na pangyayari.

Katulad na lang ng isang kagimbal-gimbal na balita na aming nalaman noong ika-12 ng Septyembre, ipinahayag ni Bb. Raychell na kelangang maghanda para sa parating na competency exam o mas kilala sa tawag na "departmental exam". Malungkot mang isipin pero ang competency exam na ito ang magiging basehan para sa aming final exam ibig sabihin wala na kaming final exam. (Delikado tuloy ang pagiging mga scholar naming mga friendship!) Swerte din naman kahit pano kase yung ibang departamental exam mismong mga prof namin ang nataong gumawa kaso yung iba, na napataon pa na mas mahirap na mga subjects ang napunta sa ibang prof.

Isa pang malungkot na pangyayari yung tungkol sa purple,violet ,lilac o kahit ano pang tawag sa kulay ng t-shirt na yan! Hapon yun ng Miyerkules, maaga ang labasan namin, wala nman talaga kaming balak pmnta ng "divi' kaso sa di inaasahang pangyayari kelangang bumili na kagad ng nasabing t-shirt kaya ayun diretso kami ng "divi". Halos nilibot na namin ang buong "divi" makita lang ang !@$#! t-shirt na yan! May mga nakita kami kaso mahal, kung di naman ang pangit ng tela o kaya talagang pangit yung t-shirt! Napagod na ang mga paa namin kakahanap hanggang sa mapagtanto namin na pagod na talaga kami at ayaw na naming maglakad. Sa huli nauwi din kami sa pangit na t-shirt at least mura naman, pero kahit na ang pangit ay mananatili pa ring pangit.

Isa pang pangyayari ang walang humpay na di pagkakaunawaan nina Lorie at Yeye. Minsan ayos naman sila, may mga pagkakataon nga lang na hindi. Hay! naku! kahit ako naguguluhan sa kanila. Minsan mas maganda pa na manahimik na lang. Kelan kaya ulit sila magkakabati?...

At ang record breaking na pangyayari ang babaeng nang-insulto kay maris. Ngayun ko lang napatunayan na ang mundo ay talagang pinamumugaran ng maraming masasamang elemento,walang kwenta at masasamang tao. Isang babaeng hindi nag-iisip, walang kwenta, akalain mo namang magsalita sya ng ganun eh lower year lang sya. Sorry for the term pero makapal ang mukha na babaeng yan. (Hayaan mo maris igaganti kita.) Siguro napagtanto ng babaeng yan na ang tulad nya na walang utak ay hindi maaaring manalo sa isang contest tulad ng pageant na yun. In-short masyado syang insecure sa friend ko kaya ganun.Hindi lahat ay nadadaan sa pagandahan ija! Maganda ka nga pero wala ka namang utak wala ring kwenta. utak-taho ka ba?! Well, goodluck na lang kung sino ang mananalo sa inyong dalawa ng friend ko. The people will decide.

Monday, September 11, 2006

cutting classes...

For the second time around nag-cutting classes na naman kami, actually hindi naman talaga namin intended na di umatend ng Logic. Hindi naman dahil s a matataas ang grade namin dun kaya naisipan naming umabsent man lang kahit minsan, hindi ganun. Alalang-alala nga kami na baka masyadong maapektuhan ang mga grades namin dahil sa kaisa-isang absent naming yun( hindi talaga ganun). Baka ang mga 97,98 eh maging 96 na lang, di ba napakalungkot nun. Pero hindi na talaga mauulit yun, nagkataon lang talaga na kelangan nina jhey-ehm at maris ng suporta galing sa min kaya naman super support kami dun sa dalawa( sabihin mong mabait kami,bilis!!!) di ba?!! ( sagot!) ['yan very good!]. At saka para din yun sa ikabubuti ng nakararami( maliban kay alex, na parang di mapakali na di kami pumasok ng logic). Masaya din naman na kahit paminsan- minsan eh umabsent sa klase, kasama talaga yan sa "growing-up" nating mga "late teenagers". Baka naman mapagkamalan na kase kaming mga nerd pag nagkataon( na sa kasamaang -palad ay nangyari na nga), at masyado naman 'atang masakit na sa headache ang ganun kung puro aral at walang sayang kasama.
"Yan ang nangyari ngayong araw, tapos na din ang midterm exam namin ngayon kaya happy-happy na naman. Ok naman para sa akin ang results ng mga exams ko( maliban na lang dun sa practical sa logic['wag mo na nga ipaala yan!])...yun lang ang nangyari ngayon, nakalimutan kong sabihin medyo magaling na nga pala sina peter, vanessa, at alex(teka,nagkasakit ba si jhey-ehm last week?! ah! di ko na maalala basta magaling na sila ngayon). Hanggang sa muling pagcucutting classes na lang ulit!!!